Nang Maghalo ang Balat sa Tinalupan

 

Nang Maghalo ang Balat sa Tinalupan

I miss my friends. Yung mga naiwan ko sa Pilipinas. Yung mga nakakasama kong mag-shopping sa Greenhills at Divisoria, lalo na kapag may Midnight Madness Sale sa mga mall. Yung palagi kong nakakaladkad sa parlor, sa sinehan, sa peryahan, pati sa cutting classes. Yung mga nakaka-telebabad at ka-text ko miski anong oras. Yung kinikilig kapag kinukwentuhan ko ng mga crush ko, mga naiiyakan ko kapag sawi ako sa lovelife ko. It’s a pity that we had to part ways. Some got married na and are raising kids now. Yung iba naman busy sa kanilang mga lovelife at careers. Ako naman eto, dakilang bagong bayani ng bayan – nagsasakripisyo para sa pamilya at kinabukasan kaya’t malayo sa piling nila.

 

It’s hard to find true friends nowadays. Mahirap makahanap ng mga taong makakaintindi sa yo and who will accept you for who you are. Syempre dapat pareho kayo ng taste – sa damit, sa sapatos, sa music, sa pelikula, sa lalake, pati sa paboritong artista. Kapag maka-Kimerald ka natural hindi kayo magkakasundo ng mga DongYan fans. Tamo mga Vilmanians, hindi pwedeng makipag-bonding sa mga Noranians. A Kapamilya will never like a Kapuso. Gets mo? Si Manny Pacman lang yata ang pwedeng mag-unite sa ating mga Pinoy eh. Teka, I degrees.

 

Hindi kasi ako madaling magkaroon ng friends. Ewan ko ba, pero mas madaming may ayaw sa akin kesa sa may gusto – feeling ko ha? Eh kasi kakaiba daw ako – weirdo, loud at eccentric. Yan ang madalas na first impression sa akin. Eh di ba first impression is last? Kaya siguro kokonti lang ang lumalapit sa akin – hindi man lang nila ako binibigyan ng benefit of the daw. Kasalanan ko ba na istariray ako? Pinalaki kasi ako ng mga magulang ko na huwag magpapa-api. Dapat daw sa classroom, sa harapan ako lagi uupo. Kapag may gusto akong sabihin dapat daw isigaw ko para siguradong maririnig ako. At hindi raw dapat lahat ng uso eh sundin ko, dapat daw eh magkaroon ako ng self identity. Yan ang mga pabilin sa akin nina Nanay at Tatay. Kaya siguro ganito ako ka-confidence. I believe in self expression, individualism and originality. Ayoko maging back up singer lang, dapat ako ang laging bida – parang si Beyonce, si Nicole Scherzinger… si Kuh Ledesma! Wala naman sigurong masama to aspire to be the best, di ba? Well kanya-kanya yan – whatever rocks your vote, makes no difference who you are. Yun na!

 

Kaya naman blessing in the sky for me when I met my BFF Sheila. First time ko pa lang sya nakilala sa office magaan na loob ko sa kanya. Pareho kasi ng costume sa Halloween Party namin noon. Habang lahat eh naka-witch at vampire outfits eh namukod-tangi kaming dalawa sa suot naming Lady Gaga costumes. Biruin mo, sino ang mag-aakala na merong ibang kayang maglakas-loob magsuot ng ganun bukod sa akin? Sabi ko, “Ay, chica tong gurlash na itich! Winner!” Nang sumuot ako sa isang gusot, sya lang ang nagtanggol sa akin. Mula noon, sabay na kami mag-lunch, magsimba sa St. Mary’s, mag-marathon sa panonood ng “Glee” at “Magkaribal”, mag-window shopping sa Louis Vuitton, mag-panic buying sa Outlet Mall, gumimik sa Chika Grill at kumain ng okoy sa Delmon. I also introduced her to my suking parlor, my flatmates, my carlift and to my significant other… si Adam my love.

 

Sarap ng feeling nang muli akong magkaroon ng confidante, alliance at partner in crime. Para akong nagkaroon ng instant kakambal – kasi pati sa pananamit madalas eh pareho kami ng outfits. Pati mga expression ko bukambibig na rin nya all of a suddenly. Finally, someone that understands me and accepts me for what I am – my new BFF! Kaya magmula noon I shared na my life with her, lalo na kapag dumarating at lumalabas kami ni Adam, sya ang third wheel all of the time. Pero just like in the movies, I soon discovered na Three is a Crowd pala.

 

Kamakailan lang ay nakigamit ng laptop si BFF. Nang matapos mag-internet ay nagpaalam sya at umuwi na. Nang gamitin ko ang laptop, naiwan nyang naka-log in ito sa Fezbook account nya. Bago ako mag-log out, nabasa ko ang info sa kanyang account. Name: Sheila May Smith??? Relationship Status: Married??? At eto na: In a Relationship with Adam Smith???!!! Teka, pangalan ng jowa ko yun ah! Anu itu??? Hindi naman ito yung Fezbook account ni BFF Sheila ah? So right there and them, nadiskubre kong may secret second account ang hitad. Binasa ko yung ibang info… Activities: shopping, eating, shopping, eating… Interests: fashion, movies, boys… Music: Madonna, Lady Gaga, Sharon Cuneta… Books: Macbook… Movies: Titanic, The Notebook, Temptation Island…Television: Sex & The City, Glee, Magkaribal… Hmmmm. Teka, bakit pareho lahat ng sa akin toh? Click sa Photos… Natulala ako sa mga nakita ko. Aba, puro mga pictures ni BFF Sheila at Adam – actually kilala ko yung mga pictures na yun eh – kasama talaga ako dun sa mga pictures pero na-crop na bigla sa Photoshop!!! Tapos yung mga solo shots nya puro mga damit ko ang suot nya… aba pati yung profile pic nya, kapareho ng hairstyle ko tsaka damit ko…Oh-Em-Gee, ginagaya nya ako! Stroker!!!

 

Tapos binuksan ko yung mga messages nya. Sa Sent Messages, puro kay Adam lahat! Binasa ko ang isa: “ Hi honey, how r u? Wen r u going 2 b bak hir in Dubai? Miss u much. I-T-A-L-Y. =) Mwuah!”

 

P*^%$#@%#*&^!!! Ang kapal ng fez! Nanginig ako… nanigas ang mga daliri ko. Hindi ko na itinuloy ang pag-su-surf sa Fezbook nya dahil ayaw nang gumalaw ng mga kamay ko sa tindi ng nerbiyos. Akala ko aatakihin ako sa puso sa mga nakita ko at nabasa ko. Grrrrrrrr!!! How can she do this to meeeeh???!!! I trusted her like my sister – she’s my BFF, for dying out loud!!!! Anu ito? “Single, White, Female” the movie???

 

Nang biglang may nag-text. “ Hi Bebeh! Juz came from Annie’s flat. Can’t stop thinking of u. J-A-P-A-N. =) Mwuah!” from BFF Sheila.

 

Tamo nga naman ang pagkakataon, matindi kung magbiro. Wrong send, bruha! Buking ka na ngayon, ahas ka. P*&^%$#@%^* ka!!! Humanda ka.

 

Sinagot ko ang text nya,”I’m sorry, who u? Is dis Valentina, ang babaeng ahas???” I’m sure naloka sya ngayong buking ko na sya sa mga drama nya.

 

Maya-maya eto na, may nag-door bell. Si Anaconda, wala nang iba.

 

“Excuse me pets are not allowed here!” sigaw ko sa pintuan.

 

“BFF….let me explain…” sabi ng bruha.

 

“Tell that to the marines!” pagtataray ko sa kanya.

 

“Pleaseeee… hear me out…” pagmamakaawa nya.

 

“Talk to the hands!” bira ko nga.

 

“It’s not what you think that you think it is…” pangungulit pa nya.

 

“Shut up your face!” hirit ko pa.

 

Naisip ko na hindi ko dapat palampasin ang pagkakataong ito. Hindi biro ang nadiskubre ko sa kanya. Kaya minabuti kong harapin ang impakta. Bigla akong nag-transform into Cherie Gil…handang sumalakay at makipag-sabunutan sa kaaway. Ready to face this second-rate, trying hard, copycat demonya!

 

Binuksan ko ang pinto sabay takbo sa sofa at pumameywang. Itsura ni Angel Aquino as Vera Cruz sa set ng Magkaribal. Pero take note, ako ang bida dito ha, ako ang biktima. Dahan-dahan pumasok ng flat ang walanghiya. Ambagal lumapit sa akin. Nainip ako.

 

“Ang kapal naman ng pagmumukha mo para magpakita pa sa akin. Akala mo siguro hindi kita mabubuking ano?” wala nang paligoy-ligoy kong sumbat sa kanya.

 

“Friend, panahon na para malaman mo na ako ang mahal ni Adam at hindi ikaw. Anong akala mo, ikaw lang ang maganda? Ikaw lang ang pinagpala? Ikaw lang ang anak ng Diyos? Pwes, it’s time to face the truth and nothing but the truth,” sabi ba naman ng hudas???

 

“The nerves of you to say that to my face! Matapos kitang ituring na kaibigan? Isa kang makamandag na ahas! Ulupong!!!” pagtataray ko.

 

“Oo, inaamin ko, ginamit kita. Pasensya ka, uto-uto ka eh. Bakit akala mo ikaw lang ang may karapatan maka-jackpot ng porenjer? Di hamak naman na mas maganda, mas bata at mas sariwa ako sa yo noh?” walang kakurap-kurap nyang sinambulat sa akin. Nagpantig ang tenga ko.

 

“At sinong me sabi sa yong mas maganda ka sa akin? Uminom ka nga ng kape para kilabutan ka! Baka bumuka ang lupa at biglang lamunin ka. Napaka-kapal ng mukha mo! You’re fired!!!” talak ko sa kanya.

 

“Well tingnan ko na lang kung sino sa atin ang pipiliin ni Adam. Ako na mas bata o ang tulad mong dinosaur…”

 

Paaaakkkk!!! Bago pa nya matapos ang sasabihin nya eh isang pang-Bella Flores na sampal ang pinatikim ko sa kanya. Natutunan ko yun sa kakapanood ng mga teleserye eh…dapat mauna kang manampal para mas may impact. “Leche ka! Lumayas ka! Get out of my life!!! Madapaka!!!” segwey ko sa sampal ko sa kanya.

 

Mabilis na kumaripas ng takbo papalabas ng flat ang bruha. Bago pa man din sumara ang pinto ay humirit pa sya ng, “Hindi pa tayo tapos, Annie….may the best woman win!!!” sabi pa nya.

 

“Goto hell!!!” pagtatapos ko sabay tulak ng pintuan.

 

Umikot ang mundo ko, nagdilim ang paningin ko. Galit na galit ako….gusto kong habulin ng itak at i-massacre ang walanghiyang babaeng yun. Kaya lang naisip ko bigla si Flor Contemplacion. Ay, ayoko ngang madungisan ng dugo ang mga kamay ko para lang sa hayup na yon. Baka mamaya nyan, hindi ko pa type ang artistang gaganap sa role ng character ko kapag isina-pelikula ang buhay ko. Pwe! Napaka-demonya nya!!! Imbes na mag-sorry eh nakuha pa nyang pagsalitaan ako ng ganun. The nerves!!!

 

Never kong na-imagine na kaya pala nyang gawin sa akin ito. Then, bigla kong naalala lahat ng mga nangyari sa akin since nakilala ko sya. Kaya pala lagi syang nagtatanong noon tungkol kay Adam. Kaya pala lahat ng information ni Adam eh hiningi nya sa akin. Kaya pala tuwing darating si Adam eh lagi syang sumasama. Kaya pala lagi nyang sinisiraan si Adam sa akin. Kaya pala lagi nya akong pinipilit makipag-date sa iba kapag wala si Adam. Kaya pala sinabutahe nya ang audition ko noon para maging model sa Camera Club. It’s all coming back to me now.

 

Kinilabutan ako. Biruin mo ganito pala ang feeling kapag may taong gustong agawin ang buhay mo? Lahat ng bagay pinilit nyang gayahin at kopyahin at angkinin? Ang pananamit ko, ang hairstyle ko, ang pananalita ko, ang career ko, ang ambisyon ko, ang lalaki sa buhay ko??? Ohmygas, she wants to be meeee!!! Ganda ko eh.

 

Nanggagalaiti pa rin ako. Hindi ko matanggap at masikmura ang mga sinabi at ginawa nya sa akin. Kailangang isumbong ko kay Adam ang mga katarantaduhang ito. Buti na lang kaka-load ko lang kanina. Matawagan nga si Adam.

 

“Hello bebeh, it’s me!”

 

“Hey honey, wassup?”

 

“I have bad news. You will never believe what just happened to me. I’m so angry!”

 

“Oh my… what happened? Tell me…”

 

“That woman…that Sheila…she’s not anymore my BFF anymore. I discover that she’s copying me. She wants to be me. Did you know that she has a Fezbook with her name as Sheila Smith? There she put you as her husband and all our pictures she crop me in Photoshop so it’s just you and her. And she sent you messages like you are her husband…and then she copy all my information also… she wants to steal you from meeeeeeeee!!!”

 

“Oh honey I’m sorry to hear that. Actually she’s been messaging me, emailing me and texting me weird stuff since we’ve met months ago. She’s been coming on to me but I just always ignore her. I wanted to tell you but I knew you won’t believe me… knowing how you care for her. I’m sorry you had to find out this way…”

 

“Hu-waaaaaatttt???!!! You mean to tell me you know this already but you did not tell me????!!! How come??? I can’t bilibit…maybe you also like her that’s why!!! I hate you…I hate both of you!!!”

 

Sabay hang up ng celfone. Ibabato ko sana sa pader yung Blackberry ko kaya lang Made in China lang yun siguradong mawawasak eh hindi ko pa naman tapos hulugan sa credit card ko yun. Lalong umikot ang mundo ko, lalong dumilim ang paningin ko… pakiramdam ko nasagasaan ako ng pison dahil sa unti-unting sakit na nararamdaman ko. Nasaktan ako sa sinabi ni Adam – alam na pala nya dati pero itinago pa nya sa akin. He betrayed me! Bakit hindi man lang nya ako winarningan tungkol sa mga ginagawa ni BFF Sheila??? Siguro gusto nya yung nilalandi sya ng bruhang yun noh? Pwes, magsama kayo sa impyerno!!! Mga lapastangan! Mga hinayupak! Mga walanghiyaaaaa!!! Mga p*&^%$#@%*!!!!!

 

Goodbye BFF Sheila! Goodbye Adam my love!!! Teka…teka….pano na ako ngayon? Huhuhuhuhu…..=(

Leave a Reply