Annie B. Chronicles #42: Da Idols of My Life


In my thirtysomething years of existence in this kaleidoscope world of ours, masasabi kong masaya na rin ako sa buhay ko. Oo, hindi man ako lumaking mayaman, eh atleast marunong akong magsaing ng bigas, tumawid sa kalsada, sumakay ng jeep at mag-book ng sarili kong flight. Baket, yung mga mayayaman ba kaya nilang gawin yung mga yun na walang tulong ng ibang tao aber? Miski hindi ako artistahin at habulin ng mga kalalakihan eh marami naman akong mga kaibigan at kakilala sa iba’t ibang lugar. May confidence at self insurance naman akong naipon para miski sino ang makahalubilo ko eh atleast presentable ako, mayaman man o mahirap, kabayan man o ibang lahi – may tapang ng apog, kapal gooms at fighting spirit ika nga – at hindi nabibili sa kung saan mang mall o boutique yun ha?

Bakit ba ako nagmamalaki? Because sizes matter? Abso-packsheting-lutely! Kasi Pinay ako. Kasi OF ako. Kasi independent woman ako. Kasi ako ako. Si Annie B. from Baranggay Bagumbayan, Town of Orion, Province of Bataan, Islands of the Philippines!!! Malamang dala na rin ng tatlong benti cups ng Starbucks na espresko na tinungga ko – pero damang dama ko talaga ngayon ang pagiging woman of the world ko. Parang feel kong rumampa sa kalsada, mag-catwheel at tumambling at batiin lahat ng taong makakasalubong ko ng “Ang ganda ko!!!” ng walang kakurap-kurap. At kebs ko sa reaction nila!

Sabi nga nila, behind the success of every man is a woman. In my case, I would like to look back and paid tribute to the people who have molded me into becoming what I am what I am right now, no more, no less. Kung hindi dahil sa kanilang contribution at influence sa buhay ko eh paniguradong hindi ako ganito ngayon.

Five years old pa lang ako, imbes na mag-siesta kasama ang aking mga kapatid at mga kalaro sa probinsya ay mag-isa akong nagbababad sa harap ng black en white TV namin noon. Doon ko madalas napapanood si Nora Aunor, ang nag-iisang superstar ng pelikulang Pilipino. Kakaiba si Ate Guy kumpara sa ibang artista noon – siya lang ang sumikat na hindi mestiza, anak-mayaman o mala-manyika ang kagandahan – kakaiba sya. Kapag pinanood mo sya ng maigi, kikilabutan ka sa galing nyang umarte at sa tindi ng powers ng mga mata nya – parang ang laki laki, parang ang daming sinasabi, matutunaw ka kapag tinitigan mo. Noong napanood ko sya sa pelikulang “Lollipos, Roses at Burong Talangka,” talagang bumilib ako sa kanya. Imagine pinag-agawan sya ni Cocoy Laurel at Don Johnson??? Kaya sabi ko sa sarili ko, aba, hindi lang pala mga mestiza, magaganda at seksi ang may pag-asang maka-score ng gwaping… kung kaya ni Ate Guy, then so can I!!! Naks, rhyming pa ha?

Patuloy kong sinubaybayan ang career ni Ate Guy. Iba’t ibang pelikua, iba’t ibang role pero ang po-pogi lagi ng mga kapareha nya. Si Gabby Concepcion sa “Totoo Ba Ang Tsismis”, si Phillip Salvador sa “Tinik Sa Dibdib”, si Dennis Roldan sa “Bakit Bughaw Ang Langit”. Winner!!! At take note, miski sa totoong buhay eh panalo sa mga kajowaan ang lola mo – pinakasalan sya ni Christopher de Leon sa dagat, naging boyfriend niya si Juan Rodrigo at naka-live in ang DJ na si John Rendez! Talbog ka! Basta natutunan ko from Ate Guy, it’s no matter if you’re not beautiful for as long as you have character and a pleasing personality, men will come in your life. Baket?!!

Tapos nung nagdadalaga na ako, tiningala ko naman si Sharon Cuneta, the Megastar herself. Sino bang Pinay ang hindi gustong maging si Sharon noon? Mala-prinsesa ang buhay na kinagisnan nya – mula sa prominenteng pamilya at may sariling trono sa showbiz mula pagkabata pa lang. Pati sa mga pelikula nya, pinatunayan nya na the good will always be the winner versus the evil, at kaya ng lahat maging singing star, miski saan mang lupalop ka pa ng mundo nanggaling. At tinuruan din nya akong lumaban sa mga nang-aapi – kapag sinabuyan ka ng tubig, aba eh buhusan mo rin sa mukha ang kalaban mo. Mas sosyal yon kesa makipagsampalan ka o makipag-sabunutan. Bukas luluhod din ang mga tala!!! Hmp.

Bitin? What to know more about Annie B.’s  mind-boggling life experiences? Puwes, punta ka na sa website na ito. Now na!

0 Comments