Annie B Chronicles #39: Let’s Vote In!

Sumasakit ang ulo ko.

Heto na naman. Fumo-forty degrees na ulit ang weather. Nagsisimula na naming mag-dry ang skin ko, magpawis ang kili-kili ko, kumulot ang buhok ko. Say hello to hagardness again! Taun-taon lalong umiinit ang haring araw. Totoo nga siguro yung mga sinasabi nila about Global Warning – kakatense! Baka next year hindi na umubra ang bote-boteng Glutha sa balat ko. Sa sobrang init eh malulusaw na ‘to agad bago ko pa man din malulon. Nakaka-Stress Oreña Drilon ha?

Tapos yung inorder kong KFC for delivery dumating din finally after 48 years. Anak ng! Sabi ko original recipe eh, bakit puro hot en spicy ‘to lahat??? Huwaaaaaaaattt??? Wala ang inorder kong gravvvvy??!!!

Kaka-i-rita Avila! I-rita Gomez! I-rita Magdalena! Jirita Jacksooooon!!!!

Maya-maya naman, na-receive ko ang text ni Ate.

“bd NEwZ p0wh. tAtay iZ teRRibly SICk P0WH. teRminl nA p0wH. for moRE inFORM2n, sEe POStERZ nD PRiNt AdZ fOr DeTailS P0wh. luV, Ate bEck beck.”

Lalong nagdilim ang paningin ko. Muntik ko nang maibato sa dingding ang Blackberry kong Made in China. Utang na loob naman ‘tong si Ate, kwarenta anyos na jejemon pa rin? Tsaka see posters and print ads for details? Anu ‘to, Promo?!!! Grabe naman mag-te-text lang hindi pa kumpletuhin, o! Syempre kailangan ko pang mag-long distance ngayon. Wala na pala akong load. Grrrrrrrr… Konti na lang. Sasabog na talaga ako sa pagkayamot. PMS ba itu? Kakatapos ko lang last week ah?

Makanood na nga lang ng TFC sa bagong C4 LCD TV ko (fresh from kaskas sa bago kong credit card, good luck!). Puro politiko ang laman ng balita! Pangako dito, sigawan doon. Ang ingay-ingay! Akala ko Wowowee ang pinapanood ko, pero hindi pala si Valerie Concepcion ang sumisigaw kundi mga kakandidato sa darating na eleksyon. Susmaryosep, si Imelda Papin tumatakbo for Senator??? Napa-tumbling ako!!! Teka, baka nga Wowowee ang pinapanood ko! Mala-gameshow na ba ngayon ang eleksyon sa atin? Paano ba talaga pumili ng tamang iboboto? Sige nga, isa-isahin natin sila.

Manny Villar. Naranasan mo na ba ang maging mahirap? Nakupo! Kumita na tong dramang itu noh? Bakit ba tuwing mang-uuto tayo laging ang mga mahihirap ang paborito nating gamitin? Ganun na ba talaga ka-gollyble ang madlang poor para magpa-apekto sa lahat na lang ng kapwa nila mahirap? Gasgas na ang Cinderella story! Miski si Pacman ilan na ang mansion at negosyo sa buong mundo. Umaasa ba lahat ng dugyot na mahihirap sa atin na balang araw, lahat sila ay magiging mga bilyonaryo rin tulad ni Manny Villar? Hindi ba nila napapansin na mga mahihirap din ang tinatarget nya para bumili ng mga townhouse at condo nya? Korek ka dyan sister, kapag si Villar ang naging susunod na Presidente, lahat ng tao sa Pilipinas eh magpapaka-OF talaga – magsisipag-abroad sa pagkawalan ng pagasang babangon pang muli ang mahal nating bayan mula sa pagkabaon nito sa utang. Tapos, pagbalik nila sa Pilipinas, saan sila bibili ng mga bahay at lupa nila? Tsek? Tse!!!

Dick Gordon. Kamukha nya si Ziggy. Yung mascot na giveaway ng Tang noong bata pa ako. Eto matapang, may anghang magsalita, nagmamaganda.

Infairnest, maganda ang track record nya sa Olongapo at sa Subic huh? Pero duda rin ako sa inferior motive nya. Isipin mo, umunlad ang Olongapo sa tulong na rin ng mga kano, tapos pinasara nya yung Naval Base para magkaroon ng Subic Bay Metropolitan Authority so na-tsugi ang mga afam, tapos sa programa nyang Wow Philippines! eh wish nyang bisitahin ng mga foreigners uli ang Pilipinas para lumakas ang ating tourism? Ang labo nun huh? I’m telling you it’s a huge anti-tarsier propaganda. Ano na lang ang mapi-feel ng mga Pinay na may dyowang ibang lahi? Hmmm…I smell fishes. Atsaka anu ba naming klaseng pangalan yang Dick Gordon? Hindi tunog Pinoy… parang pangalan ng laos na super hero na nagtayo na lang ng kabaret after retirement. I don’t like!

Erap Estrada. Naalala nyo pa ba? Erap Para sa Mahirap. Sino ba ang humirap? Di ba tayo din? Sino ba ang dumami ang mansion at negosyo? Di ba sya? Eto pa: Walang kaibigan, walang kamag-anak! Di ba naging Senador din ang asawa’t anak nya? Di ba puro kaibigan nya ang ipinuwesto nya sa Malacañang? Kaya ayan, na-Carmi Martin tuloy sya. Kaibigan din ang nang-hudas sa kanya. Palibhasa artista, ang hilig tuloy sa pa-iba-ibang screen names. Ejercito. Estrada. Velarde. Dami ring leading ladies. Hindi pa mahusay pipili. Tamo mga anak nya, puro pang-extra lang ang mga hitsura. Dapat si Laarni na lang ang naging First Lady nya eh, atleast naging runner-up sa Tondo Girl contest noong 80s. Basta ang masasabi ko lang sa muling pagkandidato ni Erap: Day Shabu. It’s All Coming Back To Me Now. We should all learn from the past from our mistakes. Period.

Gibo Teodoro. Hmmmm…gwaping. Kamukha nung dati kong crush noong college. Matino ang background at pet degree. Maganda ang misis nya, dating Pantene model. Tsaka…uhm…ano… Bukod dito yun lang ang alam ko sa kanya. Well, at least for now. Next!

Jamby Madrigal. Well, what can I say? Jamby, Jamby, Jamby! Iisa lang ba ang green jacket na lagi mong suot sa mga campaign rally mo? Sana nagpagawa ka ng iba’t ibang style. Heredera ka noh? Bukod sa gusto mong maging kontravida sa kareer ni Villar, ano pa ba ang balak mo sakaling ikaw ang maging susunod na pangulo? Pero bow ako sa yo, day! Isa ka rin kafatid na tarsier ha? At ampogi ng Pranses mong asawa ha? Aminin mo mas maganda pa nga sya sa yo. Dapat sya ang i-front line mo sa kampanya mo. Dahil dito, idol ka namin! Go Jamby, Go for Gold!

Page: 1 2

0 Comments