Annie B Chronicles #39: Let’s Vote In!

Noynoy Aquino. Duda rin ako dito. Singkwenta anyos na single pa rin. Hindi naman siguro sya bading kasi jusko naman, just look at him. No offends ha? Eh mayaman naman sya. Atenista. Hacindero. Kung si Chavit nga kaliwa’t kanan ang chikababes eh. Baket nga ba? Hindi kaya Mama’s boy sya? O sunod-sunuran sa mga kapatid nyang babae? Kay Kris? Hindi naman siguro. Pero kung hindi si Ninoy ang naging tatay at si Cory ang naging nanay nya, iboboto ko ba sya?

Eh baka naman si Kris Aquino ang magpatakbo ng bansa natin kapag si Noynoy ang magwagi. Seriously, mas madalas ko pa yatang nakita sa TV (bukod sa mga shows nyang The Buzz, SNN, Pilipinas Got Talent at Kung Tayo’y Magkakalayo) at narinig magpa-interview sya kesa kay Noynoy during this last six months ah. Pag si Kris ang naging Presidente, papano haharap sa foreign dignitaries si James Yap? Magba-basketbol? Tapos pipilitin tayo ni Kris na katuwaan din natin si Baby James. Cute ba sya? Mas cute pa si Mahal eh. Sino magiging Presidential Spokesperson? Si Boy Abunda? Ayaw nina Dolce & Gabanna nyan ha? Bukod sa STD at failed relationships, ano pa ba ang ibang issue na naibahagi ni Kris sa ating mga kababayan? Wala.

May mga criteria kasi ako for choosing a President eh. Dapat hindi lang may hitsura – cute naman si Gloria di ba? Pero hindi ganoong look ang gusto ko. Dapat maganda ang breeding. Anong breed ba si Gloria? Atsaka dapat, maganda ang magiging First Lady o First Gentleman. Sa palagay ko si Gibo at Jamby lang ang pasok sa criteriang ito. Jamby? Ipa-FLAMES ko kaya muna sila? Ang hirap naman pumili ng bagong Presidenteng iboboto ngayong eleksyon. Teka, pano kung ako na lang kaya ang tumakbo?

Annie B for President! Tama! Kung kaya ni Nic Perlas at JC Delos Reyes, So can me! Sa tingin ko malaki ang maitutulong ng pagiging fashionista ko para sa ika-uunlad ng bansa natin. Nasa gobyerno ang simula ng pagbabago, kaya bibigyan ko ng fashion advice at make-over ang karamihan sa mga nakaupo dito. Pinapangako ko, ipatatangal ko ang mga colored streaks sa buhok ni Dinky Soliman – akala ba nya gumaganda sya sa lagay na yun? Eh matatakot lang sa kanya ang mga bata sa DSWD sa hitsura nyang yan eh. Si Chiz Escudero, isa sa mga una kong sisibakin yan. Hindi nakakadagdag sa pagpapaganda ng administration. Isama mo pa sina Jinggoy sa Senado at Zamora sa Kongreso. I will bow to eliminate ugliness and install beauty and style to our country. Bibigyan ko ng life and medical insurance ang mga basurero, mga janitor at mga construction worker. Pati dental included. Ipapa-restore ko ang mga old buildings sa atin – lalo na ang City Hall ng Maynila para humabol sa ganda ng Big Ben of London, ang San Juanico Bridge upang maging kasing bongga ng Golden Gate Bridge of San Francisco at ang tore ng PLDT sa may Welcome Rotonda para maging ka-level ang Eiffel Tower of Paris! I will strike a deal with the US Government para pwedeng sumali sa American Idol ang mga Pilipino. Go Charice! Go Rhap Salazar! Itatayo ko ang bandera ng Pilipinas sa buong mundo!!! Dizizit!

Teka, lalong sumasakit ang ulo ko. Tatawag pa pala ako sa Pilipinas para maki-update sa terminal illness ni Tatay. Please Lord tulungan nyo po kami. Promise ko po iboboto ko miski si Jamby pagalingin nyo lang ang tatay ko. Tulungan nyo rin po ang sambayanang Pilipino na magkaroon ng tapang, talino at paninindigan sa pagboto ngayong darating na eleksyon. At sana po ay magtulungan ang mga politiko, panalo man o talunan, upang mapaunlad ang aming bansa para po tumaas na rin ang value ng Peso at maging top tourist destination na ang Pilipinas sa buong mundo. Kunin nyo na po ang mga trapo at buwaya na ayaw pasaway at patuloy na nagpapa-nega sa image ng aming bansa. Lubos lubusin nyo na rin po. Gamutin nyo na rin po ang pagiging jejemon ni Ate. Please po Lord. Amen.

UPDATE: Malamang habang binabasa nyo ito ay may bago nang Presidente ang ating bansa. Malamang sa asim ng mga pinagsusulat ko about them eh wala na rin ako sa Dubai ngayon at nagpapalaboy-laboy na lang in some other country where there is TFC (Uyyy, dapat may Despedida din ako ha? Now na!). But let me be the one to share the good news with you: si Tatay wala naman palang tumor o cancer. False alarm lang pala. It turns out it was just a massive case of boil – a skin infection caused by hair follicles, accumulating pus and dead tissue – in short, pigsa lang pala. Shuhada?!!! Kasi naman dun pa sa kapitbahay namin na bumagsak sa board exam sa nursing sila nagpatingin eh, ayan palpak tuloy. Buti na lang. Blesssing in the sky din yan kasi tumigil na sa kaka-jueteng si Tatay at kaka-mahjong si Nanay bilang sacrifice. Salamat kay Lord, all’s well that’s end swell. Hallelujah!!! Dizizit!

Page: 1 2

0 Comments