The Annie B. Chronicles 45: Dear Santa

My Christmas Wishlist: Dear Santa

I know I’ve been a good girl, lalo na this year. Alam ni Lord na ginawa ko ang lahat upang maging isang mabuting girlfriend, loyal best friend at concerned citizen. I tried my best and gave my all to make this world a better place for all mankind – sad to say, hindi lahat ng efforts ko ay nagtagumpay at nasuklian ng mga ginintuang balato – I guess hindi lahat ng bagay sa mundong ito ay nakatakdang mangyari ayon sa kagustuhan ko. Aaminin ko, may times I questioned your existence every holidays – kasi naman, parang andaming okray na naganap sa buhay ko this year. Pero hindi bale, alam kong when God closes a door…ah basta alam mo na yun. Maaring may dahilan kung bakit nangyayari ito, but I still believe in world piece, so help me God. I thank you.

AA Annie BIYATCH

Simula pa sa pagkabata, laging sinasabi ni Nanay na magpakabait lang daw ako siguradong madami akong pwedeng hilingin sa yo. Pwes, since I believe and I insist na mabait ako, here is my wishlist for this coming holidays:

A fairier, clearer and flawless skin. Masyado talagang harsh ang weather at water dito sa Dubai. Miski anung gawin kong pagmo-moisturize araw-araw at gabi-gabi ay hindi pa rin ako tinatantanan ng mga blackheads at pimples. Sus naman, dalawang dekada na ang nakakaraan since my puberty days pero mala-teenager pa rin ang mga skin problems ko. Afraid ako na baka dumami ang mga wrinkles at magmistulang hand-carry luggage na ang mga eyebags ko. Kalabisan ba kung hilingin ko ang entire skin care line ng Kiehl’s ngayong Pasko? Balita ko effective daw yung brand na yun since ang mahal mahal nya sa Harvey Nichols. Can’t afford ang beauty ko – alam mo naman na pang-Karama at Outlet Mall lang ang totoong naaabot ng powers ng wallet ko. Over ba? O sige na nga, I’ll settle for Belo’s Skin Care na lang. Basta ba magiging mala-Regine Velasquez ang puti at kinis ng balat ko eh, carry na rin.

A new designer bag. Okay, alam kong guilty ako for patronizing fake branded bags noon – kesehodang Grade A o Exact Replica pa man din – aaminin kong peke pa rin sila. Pero iba pala ang feeling kapag orig at authentic ang bag ko – salamat sa aking jowang si Adam at nakatikim rin ako ng Louis Vuitton Speedy Handbag na tunay at binili sa Dubai Mall at hindi sa Dragonmart. Ngayon ay mas kampante na ako na hindi na ako ide-detain at ii-interogate sa tuwing may security check sa airport at confident na kasing mahal ng presyo nito ang pagmamahal ni Adam sa akin. Kaya lang medyo nakakasawa na rin kapag iyun lang kagi ang ginagamit ko. Sa office kasi andami ko pa rin kapareho – mga kapwa orig na gamit ng mga bossing ko at mga japeyk na walang pakundangan na pinangangatawanan ng mga kaopisina kong rank and file employees. Patigasan talaga ng mukha di ba? Sasamantalahin ko na ang pagkakataon: pwede bang humiling ng Hermes Birkin? Yung kulay pula tulad ng kay Gretchen Barreto? Sana din hindi na ako kailangang magpa-reserve pa at pumila upang maghintay sa wait-list nila. Maigsi kasi ang patient ko eh. Okay, kung suntok sa buwan yun, pwedeng Fendi Peek-a-boo na lang? Kulay Green? O kaya yung Chanel Classic Handbag na lang – yung parang kay Jinkee Pacquiao? Tagal ko na kasing pangarap din yun eh. Bahala ka na, Santa – basta huwag lang peke ha? Miski Secosana pa yan, tatanggapin ko ng buong puso – atleast pwede akong mag-feeling Claudine di ba?

DID YOU KNOW THAT ANNIE B IS A TOTAL FASHIONISTA?  CLICK TO READ ANNIE B.’S FASHIONISTA GUIDE 

A brand new iPhone 6. Dalawang taon ko na kasing pinagtyatyagaan itong First Generation iPhone ko na Made in China lang. Bale second phone ko talaga to since naka-iskor ako ng Blackberry (made in China din) noon sa Dragonmart. Eh naibato ko kasi kay ex-BFF ko yung Blackberry nung mag-away kami – feeling ko kasi mala-Cherie Gil ang emote ko noon at akala ko matutuloy nang ipa-block ang Blackberry dito sa UAE kaya akala ko okay lang na masira yun. Pero ngayon nanghihinayang na ako kasi hindi naman pala natuloy yung ban. Sana nakakapag-BBM pa rin ako. Pero nakita ko kasi yung bagong iPhone nung ka-carlift ko, ang gara pala! Eh nung nag-inquire ako sa Etisalat, bukod sa may pila din pala sa reservation at kung anu-anong requirement ang hinihingi eh ang dugo rin ng presyo! Kaya eto, back to my old First Generation Made in China iPhone ako. Ayaw na nga gumana eh, madalas lalong mag-hang. Tapos hindi ko pa ako maka-download ng mga applications like new games and ringing tones kasi nga absolute na rin yung system. Sawa na rin ako sa kaka-snake – baka mas may exciting pang-games dyan di ba? Balita ko dun daw sa iPhone4 pwedeng upload ng songs, balak ko sanang gawing ringing tone ang bagong theme song namin ni Adam, yung “OMG” by Usher.

Better TV shows on TFC and GMA Pinoy TV. Wish ko din Santa na sana, biyayaan mo ng cable subscription o mga bagong DVD ang mga writers ng mga teleserye at TV programs sa atin. Kasi nasusuka na ako sa paulit-ulit na lang na plot ng mga teleserye eh. Lagi na lang may ampon, may pinagpalit na identity ng mga sanggol, mga magkaaway na magkapatid pala in the end, mga kontrabidang fake ang accent at palpak ang diction at mga bidang nagpapa-api nang hindi na makatotohanan. Panahon pa ng “Gulong Ng Palad” at “Mga Yagit” yun eh. At para naman dun sa mga writer na nakakapanood ng ibang TV shows sa ibang bansa at panay lang ang kopya at gaya, sana naman eh may improvement at twists sa mga kinopya nyo. Baket, akala nyo mga wala ring cable at internet connection ang mga manonood kaya hindi namin malalaman na kinokopya nyo lang ang mga concept ng mga TV shows nyo? Kung hindi remake noong mga pelikula noong 80s eh kopya sa mga American TV shows – wala na ba kayong ibubuga? Great minds look-alike? I don’t think so not! Gawin nyo kayang teleserye ang buhay ko – baka mas madami pa kayong bago na maipalabas.

AA Small Diggidy

A new bestfriend. Nag-expire na kasi yung dati kong BFF. Akala ko, nakahanap na ako ng tunay at tapat na kaibigan na magiging supportive, loyal at understanding sa akin. Minahal ko sya at inalagaan ng lubusan, pero in the end eh dinaya, winalanghiya at tinarantado lang nya ako. Kamakailan lang, I discovered that she created a fake Fezbook account na puno ng ilusyon at kawalanghiyaan. Nagpanggap siyang girlfriend ng boyfriend kong kano, Santa. Ginaya nya lahat ng mga information sa buhay ko at nag-post sya ng mga pictures na kasama ang jowa ko. Initsa-pwera nya at gamit ang Photoshop ay nakuha nyang i-crop ang mga pictures ko with Adam at palabasin na sila ang magkayakap sa mga litrato. Nakaka-Single, White, Female talaga! Que Horor!

At nang i-report ko sa admin ng Fezbook ito ay gumawa na naman sya ng bagong fake account – this time kapangalan ko naman. Puro paninirang-puri at kasiraan ko ang mga pinaglalagay nya doon. Mga pictures ko habang natututulog (nakanganga pa at tulo-laway kadalasan), ang graduation picture ko kung saan tadtad ako ng tigyawat at mga pictures ng mga ex ko. Aaaaaayyyy, talagang napaka-walang breathing, Santa. Nagpa-add pa sya sa mga existing Fezbook friends ko at kung anu-anong kasinungalingan ang pinagsusulat nya sa Wall ng account na yun. Biruin mo, sinulat nya sa Wall na may BO at Halitosis daw ako??? Tapos may in-upload pa sya na video doon na isang Sex Scandal at tinag nya ako upang palabasin na ako yung nanduon sa video na yun. Pati sa mga albums ng mga nagtitinda ng mga fake handbags, ginawa nyang i-tag ang pangalan ko. Tapos panay pa ang send sa akin ng “Poke me…Poke me”… ang laswa ng hinayupak! Puro kasiraan talaga sa pagkatao ko.

Sana Santa, biyayaan mo ako ng bagong kaibigan na hindi gagawin sa akin ang mga ito. Yung hindi rin ako ipapahiya at aagawan ng jowa. Imagine, miski mas maganda ako sa ex-BFF ko eh ang lakas ng loob nyang kumpitensyahin ako? The nerves!

The love of my life Adam. Yes, Santa, I want him back! Buong-buo, walang bawas, walang kulang. As is, as if. Jusko, two weeks na akong hindi tinatawagan o hindi pinapansin ng aking boyfriend simula nang pag-awayan namin ang pagseselos ko kay ex-BFF. Kasi naman, imbes na kampihan nya ako versus dun sa mga ginawa ng traydor kong kaibigan eh gusto pa nyang intindihin ko at balewalain lahat ng nangyari. Sabi nya, since ako daw ang mas makakalamang at nakakaintindi, dapat daw ako ang mag-pasensya. Tama ba naman yun? Ano ganun na lang? Magpapa-api ako at hahayaan kong yurakan ang pagkatao ko ng impaktang beluga na yun? Ayaw. Dapat sa kanya ay magdusa habambuhay. Ipako sa krus…ibitay ng patiwarik at kaladkarin ng kabayo hanggang sa plaza – yan ang nararapat sa babaing yun! Lintik lang ang walang ganti, Santa!

Ewan ko ba. Hindi ko talaga mapalagpas ang mga pangyayaring yun dahil sa kinahinatnan ng relationship ko with Adam. Sabi nya, immature at childish daw ako and I need to grow up. Eh five kilos na nga ang itinaba ko simula nang ma-stress ako sa mga nangyari sa amin noh? Hindi pa ba sapat na growing up yon? Ano pa ba ang gusto nyang ilaki ko? Kapag ga-balyena na ang katawan ko? Ang harsh nun ah? Ilang texts at emails na ang pinadala ko kay Adam pero wa pa rin sya responds. Panay din ang missed calls ko pero hindi rin sya nagre-return call. Alam ko cheap ang mag miss call pero madalas talaga wala na akong load eh, what to do? Sana Santa, ma-realize ni Adam na mahal na mahal ko talaga sya at mapatawad na nya ako sa kung anu mang kasalanan ang nagawa ko sa kanya. Alam kong it’s my fault din naman kasi pilit ko syang tiniis at kinontra noon kaya eto ako ngayon, basang-basa sa ulan… magiging malamig talaga ang Pasko ko. Huhuhuhuhu…

So there, Santa. Sana mapagbigyan mo ang mga mumunting hiling ko ngayong Pasko. Pramis, titigilan ko na ang pag-stalk sa mga crush ko noong high skul sa Fezbook at sa Tweeter. Babawasan ko na din ang pasu-surf sa Pep.ph at kay Perez Hilton habang nasa opisina para mas maging productive ako sa work. Iiwasan ko na ring mamintas at maging mapanghusga sa mga tarsier kong kabayan, afterall isa na rin naman akong tarsier, Level D nga lamang. Basta, I promise to be a good girl.

Merry Christmas powh. Yazzzz!

Take care.

Xoxo. Hohoho! =)

CLICK HERE TO READ MORE ABOUT ANNIE B’S ADVENTURES AND MISADVENTURES IN THE BIG BAD CITY OF DUBAI 

 

0 Comments