The Annie B Chronicles: Da Idols of My Life

The Annie B. (Batobalani) Chronicles

The adventures and misadventures of a ‘not so average’ Pinay trying to make it in the cosmopolitan city of Dubai.

 

The Annie B Chronicles: Da Idols of My Life

 

In my thirtysomething years of existence in this kaleidoscope world of ours, masasabi kong masaya na rin ako sa buhay ko. Ow, hindi man ako lumaking mayaman, eh at least marunong akong magsaing ng bigas, tumawid sa kalsada, sumakay ng jeep at mag-book ng sarili kong flight. Baket, yung mga mayayaman ba kaya nilang gawin yung mga yun na walang tulong ng ibang tao, aber? Miski hindi ako artistahin at habulin ng mga kalalakihan eh marami naman akong mga kaibigan at kakilala sa iba’t ibang lugar. May confidence at self-insurance naman akong naipon para miski sino ang makahalubilo ko eh at least presenstable ako, mayaman man o mahirap, kabayan man o ibang lahi – may tapang ng apog at fighting spirit ika nga – at hindi nabibili sa kung saan mang mall o boutique yun ha?

 

Bakita ba ako nagmamalaki? Because sizes matter? Abso-packshething-lutely! Kasi Pinay ako. Kasi OF ako. Kasi independent woman ako. Kasi ako ako. Si Annie B. from Baranggay Bagumbayan, Town of Orion, Province of Bataan, Island of the Philippines!!! Malamang dala na rin ng tatlong benti cups ng Starbucks na espresso na tinungga ko – pero damang-dama ko talaga ngayon ang pagiging woman of the world ko. Parang feel kong rumampa sa kalsada, mag-catwheel at tumambling at batiin lahat ng taong makakasalubong ko ng “Ang ganda ko!!!” ng walang kakurap-kurap. At kebs ko sa reaction nila!

 

Sabi nga nila, behind of every man is a woman. In my case, I would like to look back and paid tribute to the people who have molded me into becoming what I am what I am right now, no more, no less. Kung hindi dahil sa kanilang contribution at influence sa buhay ko eh paniguradong hindi ako ganito ngayon.

 

Five years old pa lang ako, imbes na mag-siesta kasama ang aking mga kapatid at mga kalaro sa probinsya ay mag-isa akong nagbabad sa harap ng black en white TV namin noon. Doon ko madalas napapanood ni Nora Aunor, ang nag-iisang superstar ng pelikulang Pilipino. Kakaiba si Ate Guy kumpara sa ibang artista noon –  siya lang ang sumikat na hindi mestiza, anak-mayaman o mala-manyika ang kagandahan – kakaiba sya. Kapag pinanood mo sya ng maige, kikilabutan ka sa galing nyang umarte at sa tindi ng powers ng mga mata nya – parang ang laki-laki, parang ang daming sinasabi, matutunaw ka kapag tinitigan mo. Noong napanood ko sya sa pelikulang “Lollipos, Roses at Burong Talangka.” Talagang bumilib ako sa kanya. Imagine pinag-agawan sya ni Cocoy Laurel at Don Johnson??? Kaya sabi ko sa sarili ko, aba, hindi lang pala magaganda at seksi ang may pag-asang maka-score ng gwaping… kung kaya ni Ate Guy, then so can I??? Naks, rhyming pa ha?

 

Patuloy kong sibubaybayan ang career ni Ate Guy. Iba’t ibang pelikula, iba’t ibang role pero ang po-pogi lagi ng mga kapareha nya. Si Gabby Concepcion sa “Totoo Ba ang Tsismis”, si Philip Salvador sa “Tinik sa Dibdib”, si Dennis Roldan sa “Bakit Bughan Ang Langit”. Winner!!! At take note, miski sa totoong buhay eh panalo sa mga kajowaan ang lola mo – pinakasalan sya ni Christopher de Leon sa dagat, naging boyfriend niya si Juan Rodrigo at naka-live in ang DJ na si John Rendez! Talbog ka! Basta natutunan ko from Ate Guy, it’s no matter if you’re not beautiful for as long as you have character and a pleasing personality, men will come in your life. Baket?!!

 

Tapos nung nagdadalaga na ako, tiningala ko naman si Sharon Cuneta, the Megastar herself. Sino ba Pinay ang hindi gustong maging si Sharon noon? Mala-prinsesa ang buhay na kinagisnan nya – mula sa prominenteng pamilya at may sariling trono sa showbiz mula pagkabata pa lang. Pati sa mga pelikula nya, pinatunayan nya na the good will always be the winner versus the evil, at kaya ng lahat maging singing star, miski saan mang lupalop ka pa ng mundo nanggaling. At tinuruan din dya akong lumaban sa mga nang-aapi – kapag sinabuyan ka ng tubig, aba eh buhusan mo rin sa mukha ang kalaban mo.  Mas sosyal yon kesa makipagsampalan ka o makipagsabunutan. Bukas luluhod din ang mga tala!!! Hmp.

 

Continue reading the Annie B. Chronicles at www.illustradolife.com

……………………………………………………..

 

Syempre habang nagka-edad na si Mega, mas lalo akon naka-relat at na-inspire sa kanya. Pinatunayan nyang hindi mo kailangang maging buto’t balat sa pangagatawan, dahil tamo naman ang mga lalake sa buhya nya: Gabby Concepcion, Richard Gomez, Robin Padilla – eh tatlo na sa kasali sa Top Ten ng Pinakapoging Pinoy sa Showbiz yung mga yun noh? Aminin: miski lampas 34 ang waistline mo, pwede ka pa ring maging Bituing Walang Kupas ang Ningning! Dizizit!!!

 

Pagdating naman sa pagandahan, wala ng tatalo pa sa paghanga ko kay Melanie Marquez, Miss International 1979 at First Runner-Up ng 1986 Supermodel of the World. Sa dinami dami ng mga beauty queens at fashion models natin, sya ang natatangi kong inidolize dahil miski hindi rin sya perpekto, napatunayan pa rin nya na she’s got what it takes it all. Biruin mo, kahit na nagsasampalan pa kaliwa’t kanan ang English grammar nya eh nakuha nyang maiuwi and korona as Miss International – kase, maganda siya period. Walang finishing school at academic authority ang nagtrain sa kanya pero pinatumba pa rin nya ang mga kandidato from other countries – ibig sabihin mas magaling pa sya kay Miss USA miski palpak pa ang English nya – kasi nga hindi naman Extemporaneous Speech ang contest na sinalihan nya kaya kahit anong paninira ang ibato kay Melanie eh Winnie Santos all the way ang beauty nya. Madaming nang-lalait kay Melanie dahil sa pag-e-english nya, bakit may korona at title ba silang naipanalo para sa bansa natin aber? At huwag isnabin ang mga men in her life ha? Mula kay Lito Lapid, Derek Dee hangang sa kasalukuyang asawa nya ngayon, talagang pinatibok ni Melanie ang mga puso ng Pinoy, Instik, Arabo at Kano…Patunay na isa syang tarsier par excellence – Idol ka naming lahat!!! Kaya naman mala-United Colors of Benetton ang mga anak nya. Yan ang tunay na walang kaparis na kagandahan. Yun Na!

 

Isa rin si Lea Salonga sa mga nag-iinspire sa akin upang maging world class. Elementary pa lang ako ginagawa ko na sya – kinakanta ko noon ang “I Am But A Small Voice” sa nga school program at talent contest na sinasalihan ko. At feel na feel ko with mathing braided pitails din. Kaya naman ang makamit nya ang Lawrence Oliver at Tony Award for Best Actress for her unbeatable performance as “Kim” sa Miss Saigon, talaga namang tumitindi ang pagtingala ko sa kanya. Siya pa lang ang natatanging Pilipino na nakapagbida sa West End ng London at Broadway ng New York in a title role at umani pa ng papuri mula sa ibang lahi. Salamat ng marami kay Lea, nailagay niya sa mapa ng world entertainment ang bandila ng Pilipinas bilang factor ng magagaling kumanta, sumayaw at umarteng lahi, diba? Bravo, Leah – Bon Apetit!!!

 

At sino ba naman ang hindi namamangha sa kadakilaan ng CNN Hero of the Year na si Efren Penaflorida? Truly selfless and honorable ang ipinamalas nyang mission sa buhay sa pagtulong nya at pagkalinga sa mga batang lansangan thru his teaching program. Ang sarap isipin na dahil kay Efren, nababawasan araw-araw ang mga future snatcher, holdaper at adik sa mga kalye ng bansa natin. Imbes na maging mga mangmang sila at tambay sa kanto eh natututo silang magbasa, magbilang at mangarap na baling araw ay magkakaroon din sila ng buhay na pwede rin nilang ipagmalaki. Tingnan mo nga, panay ang reklamo natin na ang hirap mag-commute, ang trapik araw-araw, ang baba ng sweldo natin, ang dami nating trabaho, samantalang may mga taong katulad ni Efren na nagsasakripisyo, nagtitiis at nagpapakaumbabang magtulak ng kariton nya under the scorching heat of the sun – at walang aircon ha? Maibahagi lang sa mga street children ang knowlodge of learning.  Nakakahiya sa kanya ano? Kaya naman super deserving sya nang makamit nya ang world class fame at award from CNN. Ang message – miski mahirap ang Pilipinas, puno naman ito ng mga taong mayaman sa ganda ng kalooban at kadakilaan para sa iba. Ikaw, kaya mo bay un?

 

At syempre, sino bang Pinoy ang hindi proud sa dinalang tagumpay at pagpupunyagi ng Pound for Pound World Boxing Champion na si Manny Pacquiao? Ibang klase talaga si Pacman – hindi lang sa mga panalo nya sa boxing kundi sa kakayahan nya to unite and bring harmony to the lives of the madlang Pinoy people. Sa tuwing may laban si Manny, buong Pilipinas ang nakatutok sa TV kaya bukod sa tahimil at masaya ang bung paligid ay walang krimen na nagaganap. Hanep dib a? Miski sinong Presidente o politico hindi kayang gawin yon ah? Isa din sya sa nagpatunay na hindi hadlang ang kahirapan in order for you to achive your drems. Basta, tulad ni Manny, mag-focus, mag-sipag at mag tyaga at laging mananalig kay Lord, siguradong makakamit di lang ang tagumpay – marami ding kakapit sa ‘yong mga lintang politico at mga artistang walang career- bukod sa instant fame and success mo, pati nanay mo pwede ring sumikat! Now you know!

 

Hindi lang puro sikat ang mga naging inspirasyon ko sa buhay. May mga tao ding nagbigay ng daan upang ma-achieve ko ang mga pangarap ko sa buhay miski pa madaming challenges akong pinagdaanan. Hindi ko makakalimutan si Mrs. Adoracion Gascon, ang aking Grade 6 teacher noon. Sa araw-araw na ginawa ng Diyos, wala siyang tigil sa mga panglalait at pamimintas nya sa akin. Anu mang effort with a capital A ang gawin ko, gaanong man kahapdi ang mga sugat sa kalooban ko at balde-baldeng pawis ang tumatagaktak sa katawan ko eh never nya akong binigyan ng approval sa lahat ng mga gawain ko.  Pakiramdam ko noon, ipinanganak si Mrs. Gascon para gawing miserable ang buhay ko. Para walang problema eh di nagtiis ako, sumunod sa autos at bilang bonus eh nilagpasan ko pa ang expectations niya. Nang lumaon, nagulat na lang ako nang biglang tumaas ang mga grades ko. Doon ko nakita ang bunga ng mga itinuro sa akin ni Mrs. Gascon. Ayun pala, alam daw nya na kung magpapakatino lang ako eh malayo ang mararating ko sa buhay. Well, malayu-layo din ang Dubai mula sa Pilipinas ha? Well…

Hindi ko rin makakalimutan si Bulak, ang gaming pet dog noon na nagpadama sa akin ng unconditional love. Sabi nila, a dog is a man’s best friend. Eh since hindi naman ako magka-boyfriend noon eh sa aso ko na langi ibinaling ang pagmamahal ko, next level naman ika nga. Naku super sweet si Bulak, pagbaba ko pa lang ng tricycle tumatakbo na yan para salubungin ako sa gate ng bahay namin. Tsaka miski askal lang sya at hindi mamahalin ang breeding eh may manners naman siya. Alam nya kung sino at hindi ang dapat tahulan, habulin o kagatin. Ilang beses na din kaming sinagip at tinulungan ni Bulak laban sa mga magnanakaw at masasamang tao. Hindi rin siya tulad ng ibang boys, wala syang arte sa katawan o sa pag-uugali. Bukod sa secure ang feeling ko kapag kasama nya ako. Hay, mahirap makahanap ang katulad ni Bulak sa mga lalaki ngayon. Siya na siguro ang perfect boyfriend that I never had. I miss you, Bulak.

 

At syempre walang Annie B sa mundong ito kung wala si Nanay, ang number one fan ko. Mula sanggol pa lang, pinatunayan na ni Nanay ang walang katulad na pagmamahal nya sa akin. Lahat ng bagay na gawin ko, ikinatutuwa ni Nanay – madalas OA pa. Panay nya akong isinasali sa mga beauty contest noon, feeling nya talaga hindi lang ako ang pinakamaganda sa mga kandidato, confident pa na ako rind aw ang siguradong mananalo. Syempre lagi naman akong Luz Valdez. Pero itong si Nanay, sige pa rin. Kapag kailangan ko ng bagong damit o sapatos, halos mangutang pa yan sa mga kumare nya maibili lang ako. Basta da best talaga si Nanay, hindi ko ipagpapalit miski kaninong nanay pa. Hindi mapapantayan ng yaman ni Oprah Winfrey, ng ganda ni Gloria Romero o ng pagkadakila ni Mother Teresa ang lahat ng naibahagi sa akin ni Nanay. Kaya naman laking pasasalamat k okay Lord na ibinigay nya sa akin si Nanay at wala ng iba pa.

 

Kung wala ang mga binganggit ko malamang hindi magiging ganito ako ngayon. Lahat ng talino, tapang, galling at kapal ng mukha ay dulot ng mga taong ito na nagsilbing gabay at inspirasyon ko habang lumalaki ako. Ang sarap isipin na sa buhay nating ito ay may mga tao na nagkakaroon ng impluwensya at epekto sa paghubog ng ating katauhan making us unique and different people at the same time.

 

Hanep din ng pakiramdam na bilang Pinoy, ano? Ang daming nating pwedeng tingalain bilang role models who contributed pride and honor to our country and race a Filipino. Ang galling ng Pinoy ano? Miski saan laging binabandila ang lahi natin. Kay asana, ipagpatuloy pa rin natin ang sinimulan ng karamihan and show the world that we can be the best in everything we do. And to my role models, thank you for molding me into what I am now, the one and only Annie B. Dizzizit!!!

0 Comments