Artist Spotlight: Franklin Caña Valencia

Franklin Caña Valencia

Painter

 

Artist Spotlight: Franklin Caña Valencia

 

Franklin Caña Valencia who is known for his distinctive style referred to by his colleagues as “Cañaism,” didn’t expect that he would take to painting like a fish to water.  Originally a graphic designer, he was coaxed into the art via his brother, under the providential wing of the esteemed Saturday Group of artists led by the likes of the legendary Mauro “Malang” Santos.  Since then, he has done numerous group shows, as well as solo exhibits and has also shown his work in New York, Arizona, Hong Kong and Singapore.  Caña shares his artistic life with Illustrado, with unabashed candor.

 

Artist Spotlight: Franklin Caña Valencia

Artist Spotlight: Franklin Caña Valencia

 

Tell us about your art.

I never really dreamt na maging pintor. In my mind, pang mayaman at sa mga sikat lang yan sa society. But, nalaman ko lang ang joy of painting after two years since I started joining the Saturday Group. Hindi naman pala sya pera-pera lang. The joy started noong may mga feedback na sa mga buyers ko. They say na pang-gising nila and mga pyesa ko, na pe-perk-up daw yong umaga nila. Plus yong mga nireregaluhan ko. In my mind, without much ado nakakapagpaligaya ako ng tao. Habang buhay na nilang kasama ang works ko. Sobrang taba ng puso ko. Not to mention yong mga donations naming mga artists. Ang sarap tumulong na ang puhunan mo lamang ay ilang kahang sinisigarilyo sa pagbuo ng pyesa.

 

How did you get into it?  

Lumaki ako sa Kamuning. Malapit kami sa sapa or creek. Pag me ekstrang papel ang kuya ko, takbo na ako sa tabing sapa, dinodrowing ko ang mga barung-barong doon. Sa bahay ko na kinukulayan ng mga tirang watercolor ng kuya ko. Di ko pa alam yong monochromaric colors, lately ko na lang na nalaman na noon ko pa pala ginagawa yon.

 

Artist Spotlight: Franklin Caña Valencia

Artist Spotlight: Franklin Caña Valencia

 

Please share your creative process with us.

Ang pinaka spring-board ko siguro ay yong pagtingin ko nga sa holen noong maliit pa ako. Actually gumagawa ako ng kwento sa utak ko sa tuwing may mga nakikita akong images sa loob ng holen. Pag inikot mo o ginalaw mo sya, nag-iiba ang colors – nag-iiba rin ang kwento ko. Bale itinahi ko sya sa kaleidoscope. Pag ginalaw o inalog mo kasi sya – ibang kulay, ibang pattern. Parang ganon din ang buhay sa pakiramdam ko. Ika nga history repeats itself. Pero, me pattern. Nothing stays the same. Nag-iiba lang ang style.

 

What makes your work – your own?  

Maraming kapwa artist ko na nagsasabi, “Mabuti ka nga pre, malayo pa lang kilala na trabaho mo. Mapa-abstract, mixed media, mother and child, kilala agad.” Ito yong sinasabi nila na BIG C sa gitna ng mga paintings ko. Na di ko naman sinasadya. Sa effort ko kasi just to capture yong tagusan ng mga kulay sa holen (bilog) lumabas na sya. Tinuloy-tuloy ko na.

 

Artist Spotlight: Franklin Caña Valencia

 

What’s your future plan?

We have a group show this Nov 8 sa Art Asia sa Megamall.  Also, in my dream, 58 kasi ako ngayon, pag 60 na ako, I’ll come-up with a solo show with 60 pieces!  Plano ko rin n asana makapag-pinta ng mga building na gustong malagyan ng kaleidoscope design yong pader nila, something to that effect. The reaction I wish to hear is, “Oy, Cañaism ang motiff!” Ewan ko kung paano, di ko pa rin pa alam. Dasal lang.

________________________________________________________________________________

More artist spotlight articles on Illustrado Life’s Artists and Writers section. 

0 Comments