The Annie B. Chronicles: “Krisis the Moment”

The Annie B. (Batobalani) Chronicles

The adventures and misadventures of a ‘not so average’ Pinay trying to make it in the cosmopolitan city of Dubai.

 

The Annie B. Chronicles: "Krisis the Moment"

 

Last month, may kumalat na tsismax sa aming opisina na dahil nga raw sa recession, people have stopped buying luxury goods. Mga kaartehan na pagkakagastusan lang tulad ng aming mga fashion products. Ibig sabihinm tigil muna sa pagpapaganda ang mga utaw habang taghirap –  baka sakali ngang mauso ang squatter look eh at least vogue na vogue pa rin sila. Ekkkk!!! Wrong!!! Tag-hirap na nga tapos hahayaan mo pang magmukhang mahirap ang itsura mo? Mali di ba?

 

Heniwey, dahil nga sa sobrang baba ng sales at performance ng aming company at on hold halos karamihan ng mga orders naming from our clients all over the world ay kailangang mag-forced leave ang karamihan sa amin upang makabawas at makabawi sa operation costs and expenses. But that is just the icing on the tip of the iceberg. May mga ibang staff na kailangang tsugiin for good – either early or forced retirement or termination of contract. Isa-isang tinatawag at nire-review ang lahat sa office ng GM naming. Para kaming naging instant contestants ng isang beauty contest – yun nga lang, we’re not rooting for ourselves na mapili…kasi ayaw naming matsugi!

 

Nang tawagin ako ng aking boss, uminom muna akon ng isang latang Red Bull at nagre-touch ng aking fez. Sabay hinga ng malalim habang nag-catwalk sa loob ng kanyang office. Ang verdict: forced leave ako for two months. Ibig sabihin ligtas ako, may trabaho pa rin pero naka pause muna for 2 months – 60 days na walang suweldo, income, datung, bread. Pero may babalikan pa rin. Haaaayy, ligtas ako!!!

 

Muntik na akong mapasayaw ng “All the single ladies!!” sa labis na saya ko nang bigla nakita ko si Stacy, ang South African na sekretarya ng kabilang department na nag-aalsa-balutan at humihikbi sa kanyang desk. Lalapitan ko sana pero bigla kong nakasalubong si Mohammed 8 (oo, de numero ang tawag sa kanya sa sobrang dami nilang magkakapangalan sa office) na lukot ang pagmumukha at nakatungo lang sa sahig habang naglalakad. Nag back out ako bigla. Naisip kong bigyan muna ng space at sariling moment ang mga sinawimpalad kong mga officemates. Ano nga ba ang sasabihin ko? I’m sorry??? Bakit naman mag-aapologize kasalanan ko ba?

 

The Annie B. Chronicles: "Krisis the Moment"

 

Paalis na ako ng office nang sumaglit lang ako sandali sa toilet. Narinig ko may umuungol na parang asong baliw sa loob ng cubicle. Binuksan ko ang pinto at nakita ko si Leonie – ang babaeng humugot sa akin upang tadyakan ko siya…ang mortal enemy ko…ang Negastar ng daigdig ko…ang bad news sa buhay ko – na tumutulo ang sipon sa kakahagulgol ang demonya! Basang basa na ng sipon ang fake nyang Burberry hankie kaya inabot ko ang sa akin – at least malinis at hindi peke.

 

Nang mahimasmasan na si Leonie ay wala pa rin itong binabanggit na salita. “Kaya mo yan, sis.” Sabi ko. “Bigyan mo ako ng copy ng CV mo. Pramis, tutulungan kitang maghanap ng bagong trabaho. Ipasa ko sa mga contacts ko sa PA Club.” Wala pa ring reaction ang bruha. Nang lumayo na ako ay pinisil lang nya ang kamay ko nang mahigpit. Sisigaw sana ako ng araaaayyyy pero bigla syang bumulong sa akin ng isang napaka-lambot na “Salamat, Annie…” habang humihikbi pa rin.

 

So now I have to design my master plan for my 60 days unemployment period. Huwag na maglukmok sa sorrows and emotions. Harapin ang sarili at kinabukasan. Tandaan: hindi mawawala ang mga bayarin tulad ng credit cards, monthly rent and utilities at everday expenses like food and toiletries. Dapat think positive. May mahahanap din akong raket pansamantala. Huwag magpaka-losyang! Dapat um-outfit pa rin para patuloy na bongga ang aura! Go!

 

________________________________________________________________________________

 

More Annie B. and Filipinisms articles on Illustrado Life

0 Comments