ANNIE B CHRONICLES: My Christmas Wishlist

ANNIE B CHRONICLES: My Christmas Wishlist

Simula pa sa pagkabata, laging sinasabi ni Nanay na magpakabait lang daw ako siguradong madami akong pwedeng hilingin sa yo. Pwes, since I believe and I insist na mabait ako, here is my wishlist for this coming holidays:

 

A fairier, clearer and flawless skin. Masyado talagang harsh ang weather at water dito sa Dubai. Miski anung gawin kong pagmo-moisturize araw-araw at gabi-gabi ay hindi pa rin ako tinatantanan ng mga blackheads at pimples. Sus naman, dalawang dekada na ang nakakaraan since my puberty days pero mala-teenager pa rin ang mga skin problems ko. Afraid ako na baka dumami ang mga wrinkles at magmistulang hand-carry luggage na ang mga eyebags ko. Kalabisan ba kung hilingin ko ang entire skin care line ng Kiehl’s ngayong Pasko? Balita ko effective daw yung brand na yun since ang mahal mahal nya sa Harvey Nichols. Can’t afford ang beauty ko – alam mo naman na pang-Karama at Outlet Mall lang ang totoong naaabot ng powers ng wallet ko. Over ba? O sige na nga, I’ll settle for Belo’s Skin Care na lang. Basta ba magiging mala-Regine Velasquez ang puti at kinis ng balat ko eh, carry na rin.

 

A new designer bag. Okay, alam kong guilty ako for patronizing fake branded bags noon – kesehodang Grade A o Exact Replica pa man din – aaminin kong peke pa rin sila. Pero iba pala ang feeling kapag orig at authentic ang bag ko – salamat sa aking jowang si Adam at nakatikim rin ako ng Louis Vuitton Speedy Handbag na tunay at binili sa Dubai Mall at hindi sa Dragonmart. Ngayon ay mas kampante na ako na hindi na ako ide-detain at ii-interogate sa tuwing may security check sa airport at confident na kasing mahal ng presyo nito ang pagmamahal ni Adam sa akin. Kaya lang medyo nakakasawa na rin kapag iyun lang kagi ang ginagamit ko. Sa office kasi andami ko pa rin kapareho – mga kapwa orig na gamit ng mga bossing ko at mga japeyk na walang pakundangan na pinangangatawanan ng mga kaopisina kong rank and file employees. Patigasan talaga ng mukha di ba? Sasamantalahin ko na ang pagkakataon: pwede bang humiling ng Hermes Birkin? Yung kulay pula tulad ng kay Gretchen Barreto? Sana din hindi na ako kailangang magpa-reserve pa at pumila upang maghintay sa wait-list nila. Maigsi kasi ang patient ko eh. Okay, kung suntok sa buwan yun, pwedeng Fendi Peek-a-boo na lang? Kulay Green? O kaya yung Chanel Classic Handbag na lang – yung parang kay Jinkee Pacquiao? Tagal ko na kasing pangarap din yun eh. Bahala ka na, Santa – basta huwag lang peke ha? Miski Secosana pa yan, tatanggapin ko ng buong puso – atleast pwede akong mag-feeling Claudine di ba?

ANNIE B CHRONICLES: My Christmas Wishlist

_elg5940

A new bestfriend. Nag-expire na kasi yung dati kong BFF. Akala ko, nakahanap na ako ng tunay at tapat na kaibigan na magiging supportive, loyal at understanding sa akin. Minahal ko sya at inalagaan ng lubusan, pero in the end eh dinaya, winalanghiya at tinarantado lang nya ako. Kamakailan lang, I discovered that she created a fake Fezbook account na puno ng ilusyon at kawalanghiyaan. Nagpanggap siyang girlfriend ng boyfriend kong kano, Santa. Ginaya nya lahat ng mga information sa buhay ko at nag-post sya ng mga pictures na kasama ang jowa ko. Initsa-pwera nya at gamit ang Photoshop ay nakuha nyang i-crop ang mga pictures ko with my boyfriend at palabasin na sila ang magkayakap sa mga litrato. Nakaka-Single, White, Female talaga! Que Horor!

 

Sana Santa, biyayaan mo ako ng bagong kaibigan na hindi gagawin sa akin ang mga ito. Yung hindi rin ako ipapahiya at aagawan ng jowa. Imagine, miski mas maganda ako sa ex-BFF ko eh ang lakas ng loob nyang kumpitensyahin ako? The nerves!

 

So there, Santa. Sana mapagbigyan mo ang mga mumunting hiling ko ngayong Pasko. Pramis, titigilan ko na ang pag-stalk sa mga crush ko noong high skul sa Fezbook at sa Tweeter. Babawasan ko na din ang pasu-surf sa Pep.ph at kay Perez Hilton habang nasa opisina para mas maging productive ako sa work. Iiwasan ko na ring mamintas at maging mapanghusga sa mga tarsier kong kabayan, afterall isa na rin naman akong tarsier, Level D nga lamang. Basta, I promise to be a good girl.

 

Merry Christmas powh. Yazzzz!

Take care.

 

Xoxo. Hohoho! =)

Save

Save

0 Comments